4 patay sa salpukan ng van, trike sa General Santos City

APAT NA katao ang patay, kabilang ang isang ginang na buntis at isa pa ang nasa kritikal na kondisyon sa pagamutan matapos magsalpukan ang kanilang tricycle sa isang van sa national highway na bahagi ng Barangay Apopong sa General Santos City.

Sa inisyal na ulat ng pulisya, kinilala ang mga nasawi na sina Jocelyn Cabang, na sakay ng tricycle; John Roi Sunio Perez, driver ng van; Carlo Papalid na driver ng tricycle at Rommel Salawa, 2. Nabatid na driver lamang ang sakay ng van habang tatlo naman ang sakay ng tricycle.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng Traffic Management Unit, nasa inner lane ang tricycle papunta sanang Polomolok, South Cotabato nang makabanggaan nito ang kasalubong na van na papuntang Barangay Makar nitong Enero 11. 

Nag-overtake kasi ito sa isang motorsiklo at hindi napansin ang parating na tricycle. Sa lakas ng salpukan ay tumilapon ang mga sakay ng tricycle. (Rhoderick Beñez)


Comments

Popular posts from this blog

Abu Sayyaf militant captured in Sabah

Troops kill insurgent in new fighting in South

Head teacher, pinatay dahil sa motorsiklo!